Kasalukuyan pang bineberipika ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat tungkol sa isang Filipino na napatay habang nakikipaglaban umano kasama ang puwersa ng Russia sa Ukraine.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, wala pang kumpirmasyon mula sa opisyal na mga source kaugnay ng insidente.
Nakikipag-ugnayan narin daw ang AFP sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga opisyal na counterpart upang tiyakin ang impormasyon.
Batay kasi sa ulat ng Ukraine’s Main Intelligence Directorate, isang lalaking kinilalang si “John Patrick,” na sinasabing isang Filipino citizen, ang nasawi sa isang operasyon malapit sa Novoselivka sa Donetsk region.
Kung saan nagpapatuloy ang mga labanan sa Ukraine na pumasok na sa ikalimang taon, habang nananatiling hindi nagkakasundo ang Russia at Ukraine sa usapin ng teritoryo sa kabila ng umiigting na tapusin ang labanan.















