-- Advertisements --

Pansamantalang ipinasara ni Bishop Bartolome Santos Jr ng Iba, Zambales ang San Roque Chapel sa Subic Bay Freeport Zone matapos dahil sa desecration.

Nitong Enero 18 kasi ay pinasok ng isang mayroog deperensya sa pag-iisip at pinag-sisira ang ilang bahagi ng simbahan.

Sinabi ni Santos na nabasag ang Sacred Host na nakalagay sa Monstrance.

Maging ang ilang mga sagradong imahe ay pinagsisira.

Bagamat sa kalagayan ng suspek ay walang ipapataw na “canonical penalty” at hahayaan na lamang nila ang Maykapal na patawarin ito.

Mabubuksan lamang ang kapilya kapag naisaayos na lahat ang mga nasirang gamit.

Hiniling ng Obispo sa publiko na magdasal at tumulong sa mga mahihirap ganun din ang pagrespeto sa mga sagradong lugar.