-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin si Quezon City Rep. Bong Suntay matapos mabatikos ang kanyang pahayag tungkol kay Anne Curtis, ngunit iginiit niyang “walang masamang intensyon” sa kanyang analogy.

Aniya, isang fictitious situation lamang ang ginamit niya upang ipakita kung paano madalas na naiiinterpret ang mga pahayag sa maling konteksto. Nagsisisi aniya ang mambabatas na may nasaktang mga kababaihan at wala itong masamang intensyon sa kanyang pahayag.

Pinuna si Suntay matapos niyang gamitin ang pangalan ng aktres habang ipinagtatanggol ang “designated survivor” remark ni VP Sara Duterte.
(report by Bombo Jai)