-- Advertisements --
Opisyal ng kinumpirma ni Aiko Melendez ang relasyon nila ni Onemig Bondoc.
Itinaon ng aktres turned politician ang pagkumpirma nitong araw ng mga puso noong Pebrero 14.
Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang larawan nilang dalawa na may caption na “First Valentines Day”.
Noong Disyembre ng nakaraang taon ng lumutang ang relasyon ng dalawa kung saan naging guest ang aktor sa vlog ng aktres.
Noong nakaraang Enero ay sinabi ng dalawa na nagkakamabutihan na sila.
Una ng sinabi ng aktor na matagal na niyang niligawan ang aktres subalit hindi ito nagtagumpay kaya sinubukan niya muli ito ngayon.















