-- Advertisements --

Nagpatupad ng balasahan ang Bureau of Custom (BOC) para mapalakas ang intelligenceat investigation laban sa smuggling.

Sa inilabas na kautusan na pirmado ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, ay pinagpalitan niya sa puwesto si Customs Intelligence and Investigation Services director Thomas Narcise at Commissioner Strategic Advisory Office chief Jeoffrey Tacio.

Ayon kay Nepomuceno, na nasa proseso na ito sa pagbabago ng BOC at kailangan niya ng bagong commanders para manguna sa magandang direksyon.

Nais nito na mapanatili ng BOC na naabot at nahihigitan ang kanilang mga targets.

Tinanggal na rin ni Nepomuceno ang ilang opisyal ng BOC at personnel sa port of Subic dahil sa pagbebenta ng mga nakukumpiska at mga condemned na mga imported na na manok.