Kinumpirma ng dating actress at Quezon City councilor Aiko Melendez na hiwalay na sila ng long-time partner na si Zambales Representative Jay Khonghun.
Sa kaniyang social media account ay inilahad ng actress ang pagtatapos ng relasyon nila ng mambabatas.
Sinabi nito, na nagkasundo sila at naging mapayapa ang paghihiwalay nilang dalawa.
Dagdag pa nito na apat na buwan nilang pinag-isipang maghiwalay at “mutual decision” ang pagtatapos ng relasyon nila.
Paglilinaw nito na walang anumang third party na namagitan kaya sila naghiwalay.
Pagtutuunan na lamang nila ngayon ang mga landas na kanilang tinatahak.
Taong 2018 ng magsimula ang relasyon ng dalawa habang alkalde pa ng Zambales ang kongresista.
Hiwalay sa asawa ang mambabatas kung saan mayroon silang anak na lalaki habang si Aiko ay may unang anak na lalaki sa actor na si Jomari Yllana at pangalawa naman ay anak na babae mula kay Martin Jickain.