Tila naimbyerna narin ang aktres at Quezon City Councilor na si Aiko Melendez tungkol sa pangungutya nang ilan sa pisikal na anyo ng ibang tao matapos ang kanyang malamang mensahe sa social media.
Iginiit ni Aiko na hindi dapat gawing biro ang pisikal na katangian ng isang tao, at binigyang-diin na ang konsepto ng kagandahan ay nag-iiba-iba sa pananaw ng bawat indibidwal.
“Never joke around about anyone’s physical appearance. Beauty has always been relative—what one person finds beautiful may be different for someone else,” ani Melendez.
Dagdag din niya na mas mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng mabuting puso kaysa panlabas na anyo.
“But one thing that never goes out of style is having a kind heart,” dagdag niya.
Hinikayat din ng aktres ang publiko na maging dahilan ng ngiti ng iba at hindi ng pagkawala ng kanilang kumpiyansa.
“Be the reason someone smiles today, not the reason they lose confidence. Kindness will always be the most beautiful thing a person can wear,” aniya.
Bagama’t walang partikular na personalidad na binanggit si Aiko, umani ng pansin ang kaniyang post matapos itong maiugnay ng ilang netizen sa usapin na kinasasangkutan ng host na si Kim Chiu kaugnay ng naging biro nito sa isang segment ng programa.
Matatandaang umani ng batikos sa social media ang naturang segment matapos ang biro tungkol sa “lotus feet,” na kalauna’y naging paksa ng diskusyon online at nadawit din ang dating child star na si Ryzza Mae Dizon.
Dahil dito, ilan sa mga netizen ang napataas ang kilay, kung saan hiniling nilang mag-sorry si Kim at sa susunod aniya na maging maingat ito sa paggamit ng sensitibong biro sa telebisyon.
Samantala, wala pang pahayag sina Kim Chiu, at Ryzza Mae Dizon kaugnay ng naturang usapin.
















