-- Advertisements --
Pansamantalang nakalaya si Lakambini “Lakam” Chiu matapos na ito ay maghain ng piyansang P5.6 miyon.
Kinumpirma ng Bureau of Jail Managment ang Penology (BJMP) na nakaalis si Chiu pagkatapos ng kaniyang arraignment sa Quezon City Court.
Sa pamamagitan ng teleconferencing dumalo sa arraignment nito si Lakam ayon na rin sa abogado nitong si Atty. Dominic Solis.
Naghain ito ng not-guilty plea sa kasong qualified theft.
Magugunitang kinasuhan si Lakam ng kaniyang kapatid na si Kim matapos ang pagkawala ng ilang milyong halaga ng pera mula sa kumpanya nitong Little Bunny Philippines.
















