-- Advertisements --
Natitiyak ng grupo ng mga nagbebenta ng karne ng baboy na mayroong sapat na suplay ngayong holiday season.
Ayon kay Eric Harina, pangulo ng Pork Producers Federation of the Philippines Inc, na ang kabuuang suplay ng karne ng baboy sa bansa ngayong taon ay tinatayang aabot sa 2.3 milyon metric tons.
Ang nasabing bilang ay pinagsamang lokal production at imports.
Dagdag pa nito na ang nagawa nilang mga baboy noong taon ay nasa 1.3 milyon metric tons.
Nangangahulugan nito na mayroong 1.3 bilyon kilos na ito habang ang inaangkat ngayong tayon ay nasa mahigit isang milyong metric tons.
Dahil dito ay mayroong surplus ng karne ng baboy na aabot sa 1.7 metric tons kung saan aabot pa ito ng hanggang apat na buwan na suplay.
















