Dagsa ang mga pasahero ngayon sa pantalan kung saan umabot sa mahigit 5.9 milyong mga pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang gumagamit ng mga pantalan sa buong bansa dulot ng holiday season.
Ayon kay PCG spokesperson Captain Noemie Guirao-Cayabyab, inaasahan ng coast guard na magkakaroon nang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan patungong Metro Manila dahil sa balik skwela at pagbubukas ng mga opisina ng gobyerno sa darating na Lunes.
Dagdag pa nito, sa 5.9 milyon na pasahero na monitor ng PCG. 445,000 sa mga ito ay kahapon lamang naitala, Sabado, January 3.
Samantala, halos hindi naman bababa sa 800,000 na pasahero sa mga paliparan ang naitala ng Civil Aviation Authority Philippines (CAAP) simula noon Disyembre 20, 2025 hanggang Enero 1, 2026.
















