-- Advertisements --

Kinondina ang pahayag ng abogado ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Nicholas Kaufman na sinisiraan lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang panunungkulan ni Duterte.

Sa unang araw ng confirmation of charges sa International Criminal Court (ICC) kung saan mayroon isang tawag sa telepono itong natanggap at ipinagmalaki na maglalabas sila ng mga witness para siraan ang dating pangulo.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro na ang alegasyon na ito ni Kaufman kay pangulong Marcos ay isang maituturing na kalokohan.

Dagdag pa ni Castro na tila si Kaufman ngayon ang may karamdaman at hindi ang kliyente nitong si Duterte dahil nakakalimutan nito na ang crime against humanity case na inihain sa ICC laban kay Duterte ay noong 2017 pa kung saan isa pang private citizen si Marcos.

Giit pa ni Castro na hindi malinaw na maging defense lawyer si Kaufman dahil ang mga nangyaring umano’y extrajudicial killings ay noong alkalde pa si Duterte sa Davao City.