-- Advertisements --

Binati ni dating House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang mga kapatid nating Muslim sa pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan, at sinabing panahon ito ng espiritwal na pagninilay at pagkakaisa.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Romualdez na ang Ramadan ay sagradong panahon ng pag-aayuno, panalangin, at debosyon kay Allah, lalo na para sa mga kapatid nating Muslim.

Sinabi ni Romualdez, ang Ramadan ay buwan ng disiplina, pagpapakumbaba, at malasakit sa kapwa. 

Sa pamamagitan ng pag-aayuno at pagsamba, pinagtitibay ng mga mananampalataya ang kanilang paninindigan sa kabutihan at paglilingkod.

Binigyang-diin din ni Romualdez ang kahalagahan ng paggalang sa isa’t isa sa gitna ng pagkakaiba-iba ng kultura at pananampalataya.

Aniya, ang pagkakaiba-iba ay hindi hadlang kundi pundasyon ng mas matatag at maayos na Pilipinas.

Umaasa ang mambabatas na magsisilbing inspirasyon ang Ramadan upang higit pang mapalalim ang pagkakaisa at kapayapaan sa Mindanao at sa buong bansa.

Sa pagtatapos ng kaniyang mensahe, sinabi bi Romualdez: “Ramadan Mubarak. May Allah accept your prayers and fasting, and may He bless your homes with peace, mercy, and prosperity.”