-- Advertisements --

Pinalaya na ang dating broadcaster na si Jay Sonza mula sa National Bureau of Investigation (NBI) Detention Center bandang alas-7 ng gabi kagabi, kasunod ng kautusan ng hukuman.

Sa isang social media post, kinumpirma ni Atty. Mark Tolentino ang paglaya ni Sonza at inilarawan ito bilang pagsunod sa isang malinaw na utos ng hukuman.

Magugunitang naaresto si Sonza kaugnay ng alegasyong pagpapakalat umano ng maling impormasyon online tungkol sa kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nagpiyansa si Sonza ng P10,000 upang matiyak ang kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kanyang kaso.