Pumanaw na si dating Northern Samar first district Representative Raul Daza sa edad 91.
Kinumpirma ito ng kaniyang pamilya matapos ang pagiging public servant sa loob ng limang dekada.
Dagdag pa ng pamiya nito na hindi lang ito nagtagumpay sa kaniyang linya ng pagsilbi matapos na maging bar topnotcher at isang certified public accountant.
Naging miyembro ng Liberal Party (LP) si Daza sa loob ng 61 taon at siya ang lumaban sa pagdeklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr ng ideklara nito ang Martial Law.
Nag-self exile siya sa US matapos magpalabas na ipag-utos ni Marcos na siya ay arestuhin at doon ipinagpatuloy sa California ang paglaban sa gobyerno.
Matapos ang dalawang taon noong mapaslang si dating Senador Benigno Aquino Jr sa Manila International Airport noogn Agosto 21, 1983 ay bumalik sa Pilipinas si Daza at naging tahimik subalit mahalagang tao sa Liberal Party para sa 1986 elections.
Itinalaga siya sa iba’t-ibang puwesto matapos ang EDSA people power gaya ng Presidential Commission on Good Government at naging Commissioner ng Presidential Commission on Constitutional Reforms.
Ang apo nito na si Niko Raul Daza ay kasalukuyang representative ng unang distrito ng Northern Samar.














