-- Advertisements --

Itataas ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa full alert ang Metro Manila bilang paghahanda sa 54th anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa darating na Setyembre 21.

Kinumpirma ni PCol.Allen Rae Co,ang hepe ng Public Information Office ng Philippine National Police, na ipapatupad ang full alert status ng ala-12 ng hatinggabi ng Setyembre 19.

Hindi naman ito nagbigay ng detalye kung hanggang kailang magiging epektibo ang nasabing full alert status.

Layon nito ay para maging handa ang kapulisan sa inaasahang mga kilos protesta sa nasabing araw.

Pagtitiyak nito na magpapatupad ang mga kapulisan ng maximum tolerance sa mga itatalaga sa lugar kung saan nagaganap ang kilos protesta.

Aabot sa 15,746 na kapulisan ang ipapakalat sa mga iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila lalo na sa mga lugar kung saan gaganapin ang mga pagtitipon.