-- Advertisements --

Kasado na ang isasagawa mga aktibidad sa Sept. 21, ang anibersasyo ng pagkakadeklara ng Martial Law sa Pilipinas noong panahon ni dating Pang. Ferdinand Marcos Sr.

Pangungunahan ng Buhay ang People Power moverment ang mga naturang aktibidad bilang pag-alala sa mga bayani, martyr, at mga survivor na tumindig para sa demokrasya, kalayaan, at karapatang pantao noong panahong umiiral ang Batas Militar.

Nakatakda ang Candle Lighting Ceremony sa naturang araw sa Inang Bayan Monument, Bantayog ng mga Bayani, sa Diliman, Quezon City.

Gaganapin ito, alas-5 ng hapon, at susundan ng ilang maikling programa.

Hinimok ng grupo ang publiko na makibahagi sa pagsindi ng kandila para sa mga namayapa o nasawi sa kasagsagan ng pagpapatupad ng Batas Militar.

Nananatiling isinisigaw ng naturang grupo ang ‘September 21. Never forget’, na nangangahulugang hindi dapat kalimutan ang araw kung kailan idineklara ang Martial law.

Kabilang sa mga grupong makikibahagi sa naturang seremoniya ay ang August 21 Movement, Ninoy and Cory Aquino Foundation, Buhay ang People Power, atbpa.

September 21, 1972, noong pinirmahan ni dating Pang. Marcos Sr. ang Proclamation No. 1081 na naglalagay sa buong Pilipinas sa ilalim ng Martial Law.