Dalawampu’t isa sa 24 na testigong nais iharap ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial ang napagsilbihan na ng subpoena bilang paghahanda sa pagpapatuloy ng mga pagdinig sa Nobyembre 9 hanggang 13.
Kinumpirma ito ni Senate Secretary at Impeachment Clerk of Court Renato Bantug Jr., na nagsabing ang natitirang tatlong subpoena ay ipasasampa naman sa Lunes, Nobyembre 9.
Inaasahang magsisimula sa naturang araw ang presentasyon ng depensa, kung saan haharap ang mga testigo para sa direktang pagtatanong ng kampo ni Duterte, cross-examination ng prosecution, at pagtatanong ng mga senator-judge.
Matatandaang 24 na testigo ang natitira sa listahan ng depensa matapos umatras si Dean Ralph Sarmiento, na una ring kabilang sa mga nais nilang ipatawag.
Ang pagsisilbi ng subpoena ay bahagi ng paghahanda sa pagdinig upang matiyak ang pagharap ng mga testigo na kinakailangang dumalo sa impeachment court.














