Magpapakalat ng nasa 15,000 na kapulisan ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa inaasahang kilos protesta sa darating ng Setyembre 21 ang paggunita ng deklarasyon ng Martial Law sa bansa.
Ayon kay NCRPO chief PBrig. General Christopher Abrahano, na inaasahan nila na mayroong mga magaganap na kilos protesta sa Metro Manila kaya magpapakalat sila sa mga lugar kung saan isinasagawa ang mga kilos protesta.
Paglilinaw nito na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa silang natanggap na mga permit mula sa grupo na interesadong magsagawa ng kilos protesta.
Pagtitiyak niya na magpapatupad ang kapulisan ng maximum tolerance laban sa mga protesters.
Magugunitang noong nakaraang taon ay nagsagawa rin ng malawakang kilos protesta kung saan ipinanawagan nila ang pekeng pagdinig sa mga sangkot flood control projects at mga nagaganap na kurapsyon sa bansa.
















