-- Advertisements --

Itinakda sa halagang P120,000 bawat isa ang piyansa kay Franco Mabanta at apat pang indibidwal na nahaharap sa kasong robbery extortion laban sa dating House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ng legal counsel ni Mabanta na si Atty. Bernice Piñol Rodriguez na kumikilos na ang kanilang legal team sa Pasig Regional Trial Court para sa pagproseso ng piyansa, ngunit tumanggi na siyang magbigay ng karagdagang detalye.

Samantala, nakatakda ring ipatawag sa imbestigasyon ang ilang personalidad kabilang ang anchor ng online media network na si CJ Hirro.

Gayunpaman, hindi umano naipadala ng NBI ang subpoena sa kanyang address at sa opisina ng kanilang media network.