-- Advertisements --

Suportado ng Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) ang panukalang magbabawas ng income tax para sa mga low-income at middle-class na Pilipino, lalo na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin na pinalalala ng krisis sa fuel sa Middle East.

Ayon kay DEPDev Secretary Arsenio Balisacan, makakatulong ito upang tumaas ang take-home pay ng mga manggagawa at lumakas ang kanilang purchasing power.

Kabilang sa mga panukala ang pagtaas ng tax exemption mula P250,000 hanggang P400,000 at pagtaas ng tax-free bonuses mula P90,000 hanggang P150,000 sa ilalim ng Senate Bill 56 na inihain ni Senator Sherwin Gatchalian.

Gayunpaman, nagbabala si Balisacan na dapat munang siguraduhin ng pamahalaan kung saan kukuha ng pondo para sa mahahalagang proyekto tulad ng mga paaralan, ospital, at imprastraktura kung mababawasan ang koleksyon ng buwis.

Giit niya, bagama’t makakatulong ang bawas buwis sa mga mamamayan, maaari rin itong makaapekto sa kakayahan ng gobyerno na pondohan ang mga serbisyo publiko kung walang kapalit na pinagkukunan ng kita.

Ayon pa sa opsiyal, mahalagang makahanap muna ng alternatibong revenue source bago ipatupad ang malawakang pagbawas ng buwis upang hindi mas lalong maapektuhan ang mga sektor na nais tulungan nito.

Dagdag ng ahensya, mahalagang tiyakin na may kapalit na pinagkukunan ng kita bago ipatupad ang malawakang tax cuts, upang hindi maapektuhan ang mga serbisyo ng pamahalaan.