Nagsalita na ang aktres na si Kim Chiu matapos ang pagkakaaresto ng kaniyang kapatid na si Lakambini “Lakam” Chiu.
Sinabi nito na apektado pa rin ito at hindi na rin ito magsasalita dahil sa nasa legal na proseso ang lahat.
Dagdag pa nito na nasasaktan siya dahil sa mga negatibong komento mula ng sa pagpapasya nito ng pagsampa ng kaso sa sariling kapatid.
Paglilinaw nito na hindi ito ukol sa sariling pera at sa halip tunkol sa kaniyang kumpanyang Little Bunny Philippines,Inc. na kaniyang itinaguyod mula sa ilang taon niya sa showbiz.
Ang nasabing kaso na isinampa ng kaniyang abogado ay sumasakop lamang mula Enero hanggang Hulyo 2025 at marami pang iba na hindi maaaring ilabas sa publiko.
Inilabas ng aktres ang pahayag matapos ang pagdalo nito sa arraignment sa pagbabasa sa sakdal ng kapatid sa Quezon City Hall of Justice.
Magugunitang naaresto si Lakam dahil sa kasong 124 counts ng qualified theft dahil sa nawawalang pondo ng kumpanya ng aktres.
















