-- Advertisements --
Ipinag-utos ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagsuspendi sa operasyon ng fligh school sa Zambales.
Ito ay matapos ang pagbagsak ng isang Cessna plane sa Iba, Zambales kung saan sugatan ang apat na sakay nitong umaga ng Biyernes.
Galing sa Subic ang nasabing eroplano na minamenaho ng flight instructor kasama ang tatlong estudyante nito.
Nagtamo ng sugat ang mga sakay nito at dinala na sa pagamutan.
Dahil sa insidente ay sinuspendi ng pitong araw nila ang operasyon ng Topflite Academy of Aviation Inc. (TAAI) ang may-ari ng Cesna RP-C2211.