Senate presidency inalok umano kay Sen Legarda – Sen Lacson
LOOPS: SEN PING, SEN LEGARDA, SENATE, TITO SOTTO
Ibinunyag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na may mga tangkang ialok ang pagka-Senate president kay Sen. Loren Legarda.
Gayunman, mariing itinanggi ni Lacson ang mga kumakalat na tsismis na si Legarda umano ang nagtutulak ng pagbabago sa pamunuan ng Senado, na tinawag niyang “malicious” at “sadistic.”
Ayon kay Lacson, matapos umanong ialok kay Legarda ang Senate presidency, kumalat naman ang maling pahayag na siya ang nagre-recruit ng mga senador upang bumuo ng bagong mayorya sa Senado.
Nang hingan ng pahayag, nag-atubili si Legarda at sinabing kailangan muna niyang pag-isipan ang isyu matapos mabasa ang mga ulat.
Samantala, itinanggi ni Senate President Vicente Sotto III ang mga espekulasyon hinggil sa umano’y kudeta laban sa kanyang pamumuno. Aniya, wala siyang natatanggap na impormasyon tungkol dito at nananatiling buo at solid ang 15-miyembrong mayorya sa Senado. (report by Bombo Jai)















