-- Advertisements --

Binigyang-pugay ng Department of National Defense (DND) ngayong Linggo, Agosto 30, 2026, ang ika-75 anibersaryo ng Philippines-United States Mutual Defense Treaty (MDT) na nagsisilbing pundasyon ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon ng Indo-Pacific.

Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro, ang alyansa ng dalawang bansa ay patuloy na lumalakas at umaangkop sa mas kumplikadong banta sa seguridad.

Ipinapakita ito sa tagumpay ng mga magkasanib na pagsasanay ng militar, pagtutulungan sa seguridad sa dagat (maritime security), at mga inisyatiba para sa sakuna o humanitarian assistance.

Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, mananatili ang pangako ng Pilipinas at Amerika na magtayo ng isang matatag at produktibong pakikipagtulungan.

Layon nitong itaguyod ang malayang paglalayag, ipagtanggol ang pandaigdigang batas, at tiyakin na ang alyansa ay mananatiling puwersa para sa kapayapaan at kaunlaran ng mga susunod na henerasyon.