-- Advertisements --

Lumakas bilang isang tropical depression ang dating low pressure area (LPA) at binigyan ng pangalan na “Pilandok”, ayon sa weather bureau sa inilabas nitong weather update alas-8:00 ng umaga, Agosto 30.

Ayon sa pinakahuling weather bulletin, namataan ang Tropical Depression Pilandok sa layong 1,245 kilometro silangang baahagi ng Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 45 kilometro kada oras habang umaabot naman sa 75 kilometro kada oras ang bugso ng hangin.

Kumikilos ang Pilandok patungong west northwesward sa bilis na sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Patuloy namang mino-monitor ng weather bureau ang galaw at kondisyon ng bagyo upang matukoy ang posibleng epekto nito sa bansa.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakatutok sa mga susunod na weather bulletin at opisyal na abiso, lalo na sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng sama ng panahon.

Samantala, humina naman bilang  low pressure are  ang dating Tropical Depression Obet.

Bagama’t wala na ito sa status na tropical depression, patuloy pa rin itong binabantayan ng weather bureau para sa anumang pagbabago sa kondisyon at galaw nito.