-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Argentine superstar Lionel Messi na ito ay magreretiro na sa national team.

Sa kaniyang social media account ay isinagawa nito ang nasabing anunsiyo.

Sinabi niya na naging mahirap ang nasabing desisyon kung saan makailang ulit niyang pinag-isipan ang nasabing pasya.

Isa umano itong masakit na desisyon subalit darating din aniya ang panahon na maiintindihan din ng lahat ang pagpapasya na ito.

Sa paglalaro ni Messi sa Argentina ay nagkamit sila ng World Cup trophy noong 2022, dalawang runner-ups medals noong 2014 at 2026, dalawang Copa America titles noong 2021 at 2024 at tatlong runner-ups medals noong 2007, 2015 at 2016.

Nagwagi din ito ng Golden Ball bilang top player noong 2014 at 2022 World Cups at parehas na awards noong 2015 at 2021 Copa America tournaments.

Noong buwanng Agosto ay nakaranas ito ng matindng kasawian ng matalo ang Argentina sa World Cup Finals laban sa Spain.

Sa buwan ng Hulyo ito ay pumanaw ang kaniyang ama na si Jorge Messi kung saan kasama ang ama na nasaksihan ang ilang tagumpay niya mula sa paglalaro sa Barcelon hanggang sa paglipat nito sa PSG at Inter Miami ganun din ang tagumpay niya sa World Cup noong 2022.