-- Advertisements --

Nilinaw ngayon ng pamunuan ng Baclaran Church ang napaulat na mayroong nagpagputok ng baril na sakop ng na simbahan.

Ayon kay Father Rico John Bilangel, ang rector ng simbahan, na mayroong isang lalaking lango sa alak ang sinita ng guwardya sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help sa lungsod ng Paranaque.

Nangyari ang insidente dakong 4:45 ng hapon at ala-5 ng hapon nitong Linggo.

Imbes na kumalma ang lalaki ay bigla pang sinuntok nito ang guwardiya na sumita sa kaniya at sumama sa kaniya palabas ng simbahan.

Sa tulong na rin ng ilang mga tao doon ay napigilan ang lalaki bago dumating pa ang mga kapulisan.

Dalawang katao ang nasugatan dahil sa insidente.

Nakuha sa suspek ang isang calibre .38 baril na may laman na isang bala.

Nakatakda naman na itong sampahan ng kaukulang kaso.

Nanawagan naman si Fr.Bilangel sa publiko na huwag basta magpakalat ng hindi beripikadong ulat ukol sa insidente.