Umabot na sa 8,472 katao ang natukoy na apektado sa pananalasa ng bagyong Basyang.
Ito ay katumbas ng 3,622 pamilya mula sa 27 apektadong barangay.
Batay sa report na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mahigit 5,800 sa mga apektadong indibidwal ay tumuloy sa mga evacuation center. Ito ay katumbas ng mahigit 1,700 pamilya.
Umabot na sa 37 evacuation center ang binuksan mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Pinili naman ng halos 300 katao na pansamantalang makituloy sa kanilang mga kaanak, habang pinapalipas ang pannaalsa ng bagyo.
Inaasahang lalo pang tataas ang bilang ng mga apektado at inilikas na indibidwal habang nagpapatuloy ang pananalasa ng bagyo.
Ayon sa DSWD, nakahanda ang mahigit P6.7 billion na halaga ng relief resources para sa pagtugon ng pamahalaan sa mga kalamidad.
Kagabi (Feb. 5) ay naglandfall ang bagyong Basyang sa Surigao del Sur at nagdulot ng matinding pag-ulan at malawakang pagbaha sa maraming mga komunidad sa Visayas at Mindanao.
















