-- Advertisements --

Inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Martes ang pagpapatuloy ng flight ban sa paligid ng Mayon Volcano, na kasalukuyang nasa Alert Level 3 matapos itong magbuga ng lava.

Ayon sa Notice to Airmen (NOTAM), ipinagbabawal ang paglipad malapit sa bulkan hanggang 8:03 a.m. ng Miyerkules, Enero 14.

Pinayuhan ang lahat ng flight operators na iwasang lumipad malapit sa volcanic summit at sundan ang NOTAM at iba pang opisyal na advisories para sa updates.

Nagsimula ang ban noong Disyembre 10 nang mapansin ng PHIVOLCS ang lava flow activity sa bulkan, na noon ay nasa Alert Level 1 pa lamang. Tumaas ang alert level kasunod ng patuloy na aktibidad ng Mayon. (report by Bombo Jai)