Wala parin paramdam si Senator Ronalad “Bato” Dela Rosa kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III o kahit kaninong miyembro ng Senate Majority Bloc ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson.
Sa isang panayam sinabi ni Lacson na walang kahit anong paramdam sakanilang mga senador sa mayorya si Dela Rosa, maging kay Senate President Sotto man.
Matatandaan na hindi na pumasok sa sesyon ng senado si Dela Rosa simula noong Nobyembre ng nakaraang taon matapos sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na mayroon na itong arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng pagkakasangkot sa kampanya kontra illegal na droga ng nakaraang administrasyon kung saan nagsilbi siya bilang hepe na Philippine National Police (PNP)
Ayon kay Lacson, kung may maghain umano ng complaint sa ethics committee sa patuloy na pagliban ni Dela Rosa, maari umano itong maging lugar upang matalakay ang posibleng hakbang para sa sitwasyon ng kapwa senador.
Samantala, inaasahan namang tatalakayin na ng mga sendor ang patuloy na pagliban ni Dela Rosa sa Lunes, Pebrero 23.
















