-- Advertisements --

Dinagdagan pa ng Ninoy Aquino International Airport’s (NAIA) ang self-check-in kiosk para sa mas maraming pasahero.

Ayon sa NAIA Infra Corp, na may ilang airline companies na rin ang nag-integrate sa kanilang sistema.

Magiging available na rin aniiya ito sa Terminal 1, 2 at 3.

Bukod pa sa self-check-in kiosk, maaaring gamitin ng gmapasahero ang automated pre-security screening gates at self-boarding gates sa terminals.

Magugunitang noong Disyembre ay sinimulan ng NAIA ang paggamit ng bagong immigration e-gates.