Kinansela ang walong (8) flights patungo at pabalik ng Bicol Region dahil sa paggalaw at tumitinding aktibidad ng Bulkang Mayon sa Albay, bilang bahagi ng mga hakbang pangkaligtasan.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kaligtasan pa rin ang pangunahing prayoridad at masugid nilang binabantayan ang sitwasyon sa Bicol.
Narito ang listahan ng mga kanseladong flights:
5J321: Manila – Daraga
5J322: Daraga – Manila
5J325: Manila – Daraga
5J326: Daraga – Manila
5J172: Cebu – Daraga
5J173: Manila – Daraga
PR2921: Manila – Daraga
PR2922: Daraga – Manila
Siniguro ng CAAP na tutulungan ang mga apektadong pasahero sa Bicol International Airport.
Sa kasalukuyan, nasa ilalim ng Alert Level 3 ang Mayon Volcano na nangangahulugang “intensified unrest” o “magmatic unrest.”
Binigyang-payo rin ang mga piloto na iwasan muna ang paglipad malapit sa bunganga ng bulkan dahil ang abo mula sa biglaang pagsabog ay maaaring magdulot ng panganib sa mga eroplano.
















