-- Advertisements --

Ipinapanatili ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa Level 4 ang fuel surcharges sa buwan ng Pebrero.

Ito na ang pang-pitong magkakasunod na buwan na ipinatupad ang level 4.

Sa nasabing leve ay ang fuel surcharges ay nagkakahalaga ng mula P117 hanggang P342 para sa domestic flights.

Habang mula P385.70 hanggang P2,867.82 naman sa international flights depende sa layo.

Hinikayat ni CAB Executive Director Carmelo Arcilla ang mga airlines na magpapatupad ng nasabing fuel surcharges na mag-apply sa kanilang opisina bago ang effectivity period.

Ipinapatupad ng CAB ang nasabing fuel surcharge na ito mula pa noong buwan ng Agosto ng nakaraang taon.