-- Advertisements --

Arestado ng Bureau of Immigration ang isang dayuhang South Korean na wanted ng International Criminal Police Organization o Interpol.

Batay sa impormasyon ng kawanihan, naaresto ito nang magtangkang umalis palabas ng bansa tungong Vietnam.

Sa isinagawa kasing inspeksyon, lumitaw na maayroon itong ‘Interpol hit’ sa Bureau of Immigration system kung kaya’t isinailalim sa pangalawang inspeksyon.

Nang magsagawa pa ng beripikasyon ang BI-Interpol unit, kumpirmado na ang kinilalang dayuhan si Yun Daeyoung na may aktibo itong Interpol Red Notice.

Kung kaya’t ayon sa kawanihan nakatakdang makasuhan ito ng pagiging ‘undesirability’ sa immigration laws ng bansa.

Habang sa rekord naman ng Interpol, inaakusahan ang dayuhan sa paggiging sangkot sa ‘money laundering’ konektado sa sindikato sa South Korea.

Kung kaya’t ibinahagi ni Comm. Joel Anthony Viado na ang pagkakaaresto rito ay nagpapakita ng mahigpit na paninindigan kontra transnational crime at mga pugante.