-- Advertisements --

Habang nakatutok ang pansin sa The Hague ngayong linggo dahil sa confirmation of charges hearing laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), kung saan siya kasalukuyang nakadetine.

Ang pagdinig ay magtatakda kung may sapat na ebidensya upang ituloy ang kaso sa trial kaugnay ng libu-libong patayan sa ilalim ng kaniyang drug war.

Kilala ang The Hague bilang sentro ng pandaigdigang hustisya at tahanan ng ICC, International Court of Justice, at Permanent Court of Arbitration. Dito rin inilabas noong 2016 ang arbitral ruling na pumabor sa Pilipinas laban sa China sa maritime dispute.

Gayunman, lampas sa mga usaping legal ang relasyon ng Pilipinas at Netherlands. Ayon kay Philippine Ambassador Eduardo Malaya, ngayong taon ay ginugunita ang ika-75 anibersaryo ng diplomatikong ugnayan ng dalawang bansa.

Kamakailan, bumisita sa Maynila ang Netherlands Minister of Trade and Development na si Aukje de Vries upang palalimin ang kooperasyon sa ekonomiya.

Tinalakay nila ang mga proyektong may kinalaman sa water management, semiconductor manufacturing, healthcare, at ASEAN regional priorities.

Sa ganitong paraan, sabay na nakikita ang dalawang mukha ng relasyon ng Pilipinas at Netherlands: ang pagtutok sa hustisya sa ICC at ang patuloy na pagpapalalim ng ugnayang pang-ekonomiya at pangkultura.