Nagpadala ng guided-missile frigate ang Philippine Navy na BRP Jose Rizal (FF150), upang magsagawa ng search and rescue operation para sa MV Devon Bay, na isang Singaporean-flagged cargo vessel na tumaob malapit sa Scarborough Shoal noong Enero 22.
Ang insidente ay nangyari 55 nautical miles hilaga-kanlurang bahagi ng Bajo de Masinloc, Zambales.
Lulan ng naturang barko ang 21 Pilipinong tripulante na ayon sa post ng China Military Bugle, 15 sa kanila ang nasa stable na kondisyon na at 2 ang kumpirmadong nasawi habang 4 na crew member pa ang nawawala.
Ayon kay PCG spokesperson Capt. Noemie Guirao-Cayabyab, una nang nagpaabot ng tulong ang China Coast Guard (CCG) matapos marekober ang 17 Filipino crew members.
Umaasa naman ng mga awtoridad na mahahanap nila ang iba pang Tripulanteng Pinoy na nawala sa insidente.
















