Umabot sa 48 barko ng China ang namataan sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea(WPS) sa nakalipas na linggo, ayon sa Philippine Navy.
Mas mababa ito kumpara sa naunang bilang na 55 barko, ngunit hindi na isinama ang mga Chinese maritime militia vessels.
Tumaas ang presensya ng mga barko sa ilang lugar sa Bajo de Masinloc na may 21 barko, gayundin sa Ayungin Shoal (12 barko), Escoda Shoal (8 barko), at sa Pagasa Island (7 barko ng China).
Patuloy ang tensyon sa rehiyon dahil inaangkin ng China ang halos nang pinag-aagawang karagatan, na dinaraanan ng mahigit $3 trillion na halaga ng kalakal kada taon.
Patuloy naman ang pag-papalakas ng Pilipinas ukol sa soberanya nito sa pamamagitan ng pagtawag sa nasabing karagatan bilang WPS, kasunod ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong 2016 na pumabor sa Pilipinas.
















