-- Advertisements --

Nakahanda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na sertipikahang urgent ang panukalang emergency powers kaugnay ng fuel excise tax kapag naisumite na ng Kongreso ang committee report nito.

Ayon sa Pangulo, walang saysay na ideklara agad na urgent ang panukala kung hindi pa tapos ang ulat ng komite, dahil ang pagpapabilis ng proseso ay nagsisimula lamang sa plenary debates.

Ipinaliwanag niya na kapag idineklarang urgent ang isang panukala, maaaring paikliin ang pagitan ng pag-uulat ng komite at ang pagtalakay sa plenaryo, at maaari ring dumiretso sa ikatlong pagbasa kung kinakailangan.

Dagdag pa ng Pangulong Marcos, simple lamang ang hinihingi ng Malacañang, maaaring gamitin ng Pangulo ang emergency powers kung ang presyo ng langis ay lalampas sa $80 kada bariles sa loob ng isang buwan sa average.

Nilinaw naman ng Pangulo na hindi ibig sabihin awtomatikong gagamitin ang kapangyarihan, kundi bibigyan lamang siya ng opsyon na gawin ito kapag kinakailangan.

Kahapon inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means ang substitute bill na nagbibigay kapangyahiran kay Pangulong Ferdinand Marcoss Jr na suspindihin ang ang excise tax sa petroleum products.