-- Advertisements --

Nagbabala ang National Bureau of Investigation sa publiko hinggil sa mga natatanggap na ‘text messages’ may kalakip na malisyosong link.

Ito kasi anila’y isang uri ng tinatawag na phishing messages na layon magdulot ng takot at paghahagilap sa mabibiktima.

Sa oras kasi na madala ang biktima sa ganitong ‘scam at pindutin ang natanggap na malisyosong link, maari nitong makompormiso ang sensitibong impormasyon ng may-ari.

Dadalhin raw kasi ang biktima matapos mag-click ng link sa mga pekeng websites na ginawa upang makapangnakaw ng ‘online banking credentials, one-time passwords’ at iba pa.

Kung kaya’t payo ng kawanihan sa publiko na huwag na itong i-click at lalong lalo nang huwag ibibigay ang anumang impormasyon, OTP, PIN number at login details.

Paalala nila’y ang mga banko ay hindi na nagse-send ng mga SMS links para utusan ang customer na ikansela ang transaksyon umano.

Alinsunod rito’y sakaling makatanggap ng kahina-hinalang text messages ay i-delete na lamang ito kaagad at i-block ang numero ng nagpadala o di’ kaya’y i-report ang insidente sa banko at tanggapan ng National Bureau of Investigation.