-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng kampo nina Michelle Dee at Rhian Ramos ang alegasyon ng pananakit na inihain ng alyas “Totoy,” na personal driver ni Rhian, at iginiit na hindi tugma ang kanyang mga pahayag sa mga rekord at resulta ng medical examination.

Ayon sa legal counsel ng mga aktres, walang pormal na reklamong naisampa laban kina Michelle at Rhian “physically impossible but incredible” ang sinasabing tatlong araw na pananakit at pagkulong umano, lalo’t may mga dokumentong nagpapakitang nasa Iloilo si Michelle sa bahagi ng pahayag ni Totoy.

Dagdag pa niya, wala umanong nakitang senyales ng pananakit sa isinagawang medical exam kay Totoy.

Nilinaw rin ng kampo ni Michelle na ang kasong qualified theft laban sa driver ay ibinasura hindi dahil sa kawalan ng basehan, kundi upang isailalim sa regular preliminary investigation ng driver.

Samantala, ikinokonsidera ng mga aktres ang pagsasampa ng kasong libel at perjury laban sa driver dahil sa umano’y paninira sa kanilang reputasyon.

Liban dito handa umano ang Makati City Police Station sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng imbestigasyon sa alegasyon ng illegal detention at physical abuse.

Ayon kay Makati City PNP Chief Police Colonel Pedro Alagano Jr., nakipag-ugnayan na ang legal officer ng himpilan sa NBI upang magbigay ng posibleng tulong sa isinasagawang imbestigasyon.