-- Advertisements --

Naghain ng kasong perjury ang beauty queen na si Michelle Dee laban sa driver nito na inakusahan siya ng pananakit.

Dagdag pa nito na mayroong magkakaiba ang pahayag ng driver na si alyas “Totoy” ang driver at personal assistant ng kapwa aktres na si Rhian Ramos.

Kasama ni Dee ang kaniyang abogado na nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) para kasuhan ang driver nito.

Sinabi ng abogado nito na si Atty. Maggie Garduque, na magkakaiba na ang pahayag ni alyas “totoy” kaya nagpasya silang kasuhan ito ng perjury.

Magugunitang inilantad ni alyas “Totoy” na siya ay sinaktan at binugbog nina Dee, Ramos at ilang mga kasamahan nila dahil umano sa pagkuha ng mga sensitibong larawan ng aktres.