-- Advertisements --

Malugod na tinanggap ng kampo ni Ramil Madriaga ang pagbasura ng Taguig City Prosecutor’s Office sa perjury complaint na inihain laban sa kanya ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Atty. Mark Anthony Te ang abogado ni Madriaga, mahalagang pagpapatibay umano oto sa posisyon ng kanilang kliyente at patunay na maaari pa ring manaig ang katotohanan kapag patas na sinusuri ang mga ebidensya.

Sinabi ni Te na indi umano dapat manaig ang kapangyarihan o personalidad sa proseso ng batas, lalo na sa mga kasong nangangailangan ng masusing pagsusuri sa ebidensya.

Una nang nagsampa si Duterte ng perjury complaint laban kay Madriaga matapos itong magsumite ng affidavit sa Office of the Ombudsman na naglalaman ng mga alegasyon tungkol sa umano’y paghahatid ng malaking halaga ng pera sa ilang indibidwal, alinsunod umano sa direktiba ng Bise Presidente.

Kasama rin sa mga alegasyon ang pag-oorganisa ng isip Pilipinas para sa kaniyang planong Presidential bid noong 2022.