-- Advertisements --

Ibinasura ng Taguig City Prosecutor’s Office ang reklamong perjury na isinampa ni Vice President Sara Duterte laban sa umanoy dating aide nito na si Ramil Madriaga.

Base sa 19-pahinang resolution, nakita ng prosecutors na kulang ang ebidensiya sa reklamong isinampa ng Bise President.

Dagdag pa ng Taguid Prosecutor’s Office, na hindi sapat ang mga iprenesentang ebidensiya ng nagrereklamo kung saan hindi napatunayan na walang nakitang sapat na ebidensiya na mayroong nagsinungaling si Madriaga sa sinumpaang salaysay nito na paglabag sa Article 183 ng Revised Penal Code.

Noong buwan ng Marso, ay naghain si Duterte ng reklamong perjury sa Taguig City Prosecutor’s Office laban kay Madriaga.

Ang nasabing reklamo ay bilang pagkontra sa isinumiteng reklamo ni Madriaga sa Office of the Ombudsman na nagdeliver ito ng malaking halaga ng pera sa iba’t-ibang tao mula sa utos ng Bise Presidente.