Muling bubuksan ng House Committee on Ethics ang kaso laban sa suspendidong kinatawan ng Cavite na si Rep. Francisco “Kiko” Barzaga sa Pebrero 3, 2026, ayon kay Committee Chairman JC Abalos.
Sinabi ni Abalos na personal nang naihatid at tinanggap ng tanggapan ni Barzaga ang abiso kaugnay ng pagdinig, at inaasahan ang kanyang pagdalo at buong pakikipagtulungan sa muling pagtalakay ng kaso.
Ang muling pagbubukas ng kaso ay alinsunod sa mosyong inaprubahan ng plenaryo ng Kamara, na inihain ni Deputy Majority Leader at 1Rider Party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez matapos ang privilege speech ni Manila Rep. Rolando Valeriano.
Tiniyak ni Abalos na isasagawa ang pagdinig nang mahigpit na alinsunod sa mga patakaran ng Kamara at igagalang ang karapatan ni Rep. Barzaga sa due process.










