Wala pang tugon ang Malakanyang kung dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sakaling imbitahan siya ng House Justice Committee para sa deliberasyon ng impeachment complaints na inihain laban sa kaniya.
Inihayag kasi ni House Committee on Justice Chairman, Batangas Rep. Gerville Luistro na kanilang iimbitahan ang Pangulo sa impeachment hearing kung mapapatunayang sapat sa porma at substance ang inihaing reklamo laban sa kaniya.
Gayunpaman, tiniyak ng Palasyo na rerespetuhin ng Pangulo ang proseso na naaayon sa saligang batas.
Nakahanda din ang Pangulo maging ang Palasyo na magsumite ng mga dokumento sakaling hilingin ng house justice committe.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na magpapatuloy sa pagta trabaho ang Pangulo para sa kapakanan ng mga Pilipino at hindi magiging hadlang ang impeachment.
Naniniwala naman si Castro na ang paghain ng impeachment laban sa Pangulo ay maituturing na pag atake sa administrasyon dahil hindi lang ang punong ehekutibo ang maaapketuhan kundi ang bansa at ang ekonomiya.
















