-- Advertisements --

Tiwala ang grupong Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) na mas tataas pa bilang ng mga bibili ng electric vehicles sa bansa ngayong taon.

Ayon kay CAMPI president Jose Maria Atienza , kada taon ay tumataas ang bilang ng mga interesado sa electric vehicles.

Noong nakaraang taon ay umabot sa halos 59,000 na unit ang naibenta.

Ang nasabing bilang ay taunang tumataas ng hanggang 14- 15 percent.

May mga programa rin sila para sa pagsuporta sa mga nais na bumili ng mga electric vehicles.