-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng Department of Justice na mayroon direktibang ibinaba upang hindi isama ang National Bureau of Investigation sa paghahanap sa puganteng si Charlie ‘Atong’ Ang.

Ayon mismo kay Justice Sec. Fredderick A. Vida, walang katotohanan na hindi na isinasama ang naturang kawanihan sa ‘man hunt operations’ kay Atong Ang.

Aniya’y ang pag-aresto o pagsisilbi ng ‘warrant of arrest’ ay kautusan ng korte sa lahat ng law enforcement agencies o awtoridad tulad ng National Bureau of Investigation.

Kung kaya’t kanya lamang pinabulaanan ang usapin o isyu at maisa pang ulit na itinangging mayroon ganitong ibinababang direktiba.

Gayunpaman, ibinahagi ng kalihim na ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay nagtutulong-tulong para tuluyang maaresto ang pugante.

Habang patungkol naman kung mayroon nagli-leak ng impormasyon ukol sa isinagawang pagtugis kay Atong Ang, hindi aniya ito isinasantabi.

Sa kabila nito’y tiwala ang naturang kalihim sa mga ahensiya ng Philippine National Police, at National Bureau of Investigation na kanilang maisisilbi ang ‘arrest warrant’.

Aminado siyang sensitibo ang operasyon at may kakayahan ang mga pinaghahanap ng mga awtoridad o pamahalaan.

Subalit paglilinaw ng kalihim na walang tiyak na impormasyon nagpapatunay na mayroong nagli-leak ng impormasyon ukol sa kaso ni Atong Ang.

Ang negosyanteng si Atong Ang ay magugunitang inisyuhan na ng ‘arrest warrant’ mula sa Regional Trial Courts ng Lipa, Batangas at Sta. Cruz, Laguna.

Kanyang kinakaharap ang kasong ‘kidnapping with homicide’ at ‘kidnapping with serious illegal detention’ may kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero.