-- Advertisements --

Nagbigay pugay si Novak Djokovic kay Stan Wawrinka matapos matalo ito sa third round ng Australian Open.

Tinawag ni Djokovic si Wawrinka bilang isang kaibigan, karibal, at inspirasyon sa laro, at pinuri ang tibay at dedikasyon nito sa kanyang karera.

Si Wawrinka, tatlong beses na Grand Slam champion, ay nagpasalamat sa mga tagahanga at nagdiwang ng huling laban sa Melbourne Park, kasabay ng pagpapahayag na 2026 ang magiging huling taon niya sa tennis tour.

Samantala, nanatiling matatag naman si Djokovic, matapos matalo ang Dutchman na si Botic van de Zandschulp sa 6-3, 6-4, 7-6(4) kung saan nakamit ng manlalaro ang kanyang 400th Grand Slam match win.

Makakaharap niya sa fourth round si Jakub Mensik, na handang maghiganti matapos matalo sa kanya sa Miami Open noong nakaraang taon laban sa Czech young gun.