-- Advertisements --

Nabigo si Pinay tennis star Alex Eala sa womens’ single ng Australian Open.

Hindi umubra ang 20-anyos na si Eala laban kay Alycia Parks ng US sa score na 0-6, 6-3, 6-2.

Naging maganda ang simula ni Eala sa first set kung saan maraming Filipino ang nanood ng laban.

Pagpasok ng ikalawang set ay nakapag-adjust si Parks at kinuha ang panalo sa kaniyang serve.

Pinilit pa ni Eala na makabalik sa panalo subalit naging matindi ang ipinakitang laro ng American tennis player.

Magugunitang noong 2025 ay unang sumabak ang world number 49 sa French Open at Wimbledon.

Sa US Open ay nagwagi ito sa unang round ng talunin niya si Clara Tauson bago nabigo ito sa ikalawang round.