-- Advertisements --

Muling nakapagtala ng panibagong career-high ranking si Pinay tennis star Alex Eala.

Sa inilabas na world ranking ng Women’s Tennis Association (WTA) ay nasa pang-31 na puwesto ang 20-anyos na si Eala.

Naging malaking tulong ang pag-angat sa puwesto ni Eala sa kampanya nito sa WTA 1000 Dubai Tennis Championships kung saan umabot ito ng quarterfinals.

Unang naabot ni Eala ang career-best Number 40 at matapos ang isang linggo ay bumagsak ito sa Number 47.

Naghahanda ngayon si Eala sa ilang mga torneo gaya sa Indian Wells at Miami Open.

Magsisimula ang BNP Paribas sa Indian Wells mula Marso 4 hanggang 15 habang ang Miami Open ay magsisimula mula Marso 17 hanggang 29.